Wala akong maisulat
Pero bakit ako nandito? Bakit pilit kong ipinupukpok ang daliri ko sa mga letrang di binibigyang saysay ng utak ko? Isa sa ba itong paghahangad na makamit ko muli ang kaluluwa kong matagal nang nagkukubli sa likod ng mga walang buhay kong ngiti? Mahahanap ko nga ba ang mga kasagutan sa mga espasyong bumabalot sa pagitan ng mga salita, letra at mga tuldok?
Hanggang titig. Hanggang tanaw na lang sa mga salitang dapat sana'y bukana ng mga saloobin ko. Sa ngayon, tila hindi ako makalipad. Hindi ko sila maabot.
No comments:
Post a Comment